Sino Iboboto Mo?
Mga kaybigan, nalalapit na ang botohan, at nakita ko tong litrato na to na pakalat kalat sa cyberspace.. nakakatuwang isipin na parang mga superhero sila, pero tulad nan, baka palabas lang lahat, diba? mahirap pag ganun, muka silang magagaling, malalakas, at walang tatalo sa kakayahan nila at kapangyarihan, pero pag tapos na ang lahat, mga katulad din pala sila ng iba. puro palabas lang. pag papanggap.
Sabi nila, sa gobyerno daw, may sistemang kahit sino ay di kayang mabuwag. Madam nadaw pumasok sa pulitika na MALINS. pero lahat sila lumabas na may mga putik sa kamay. Ang sistema daw na ito ay ang KORAPSYON. walang kayang bumuwag nito. yun ang matagal ng bukambibig ng matatanda. tama nga siguro sila. kaya din siguro na uso yung kasabihang piliin ang mas maliit ang maidudulot na kasamaan.
Naniniwala akong, di talaga maalis ang KORAPSYON. meron at meron yan. nanjan at nanan yan. pero naniniwala akong kung ang LIDER, makukuntento sa “konte” na lagay na makukuha nya, kumabaga, sa konte na yun, sa loob ng 3 o 4 na taong panunungkulan, eh maiipon, malaki na din yun pagtapos ng termino nya. kung makukuntento sya dun, at ibibigay nya yung mas malaking parte sa taong bayan, naniniwala ako, na UUNLAD TAYO.
lahat yan ay sa aking opinyon lamang mga kebigan. kaya kayo, iboto nyo yung sa tingin nyung may magagawang pagbabago. GASGAS na yang sinasabi ko, sana tumanim na sa mga kokote nyo. sabi nga ng KAMIKAZEE, “WAG MAGING BOBO.
Author: BoyPulbura









Facebook
Tumblr
Twitter